It's been days That the mem'ry of your face Becomes a haze I fear it's starting to erase And will leave no trace In this heart where I gave place
But I can still remember the way you smiled T'was like from an innocent child Though very simple and mild It made me gone wild
Hear, hear handsome loon In my life's you are a boon Please come back soon Before I get to see the full moon
Dream Boy by: Jerby Anne Basilio
Sa tuwing ika'y napapadaan sa aking isip Hindi ko maiwasan ang ngumiti Mukha mo'y hindi ko pa nasilip Ngunit ako'y kinikilig at di mapakali
Lagi akong may gawang kwento Kung paano tayo nagkatagpo Sa malapit man o malayong nayon At sa iba't iba pang mga panahon
Pagdalaw mo sa aking himbing Gawin sanang madalas Dahil ang ika'y makapiling Nagbibigay ligayang wagas
O sinta, magpakilala na Pagkat puso ko'y ikaw ang alintana Hiling ko sana'y iyong dinggin Sapagkat ika'y nais ko nang yakapin
Carillon by: Jerby Anne Basilio
Bakasyon na naman Iskolar ng Bayan pahingahinn na ang utak Pero dahil ako'y may nabagsak Di ako maaaring magpahinga Kaya ako'y mag-aaral pa
Dito ako ngayon sa Diliman Malayo sa lugar ng aking sinilangan Buti na lang marami akong kasama Kaya palaging masaya
Tuwing hapon ako'y mahilig matulog At nagigising kapag ang Carillo'y tumutunog Nakakatakot man pakinggan Ito naman ay aking nakasanayan
Isang linggo na lang ang nalalabi Ng aking pananatili At sa tuwing ako'y dumudungaw Mga kampana niya'y aking natatanaw
Biglang lungkot ang aking nadarama Sapagkat kanyang UP Naming Mahal ay di na maririnig pa
Tigil (na lang ako) by: Moses Adel A. Baculanta and Jerby Anne M. Basilio
Bumabagal ang iyong bawat hakbang Tumitigil ang oras sa kapaligiran Sana'y paulit-ulit itong sandali Upang ngiti ko'y di na mapawi
Umaawit sa sulok, nakatulala Tibok ng puso'y tumigil nang ika'y makita Sa sandaling 'yun ang langit ay nasa lupa At mga ulap noo'y abot ko na
*Di inakala ika'y darating Di na mapigil ang pusong nasasabik Di ko mapaling mula sayo ang pagtingin Sana ang himig ko'y iyong dinggin
Bumabagal ang iyong bawat hakbang Umaasa na sana ako'y ngitian Na parang araw sa umaga na bagong silang Sumpa ng puso'y ikaw ang hinihirang
Repeat *
Unti-unting ikaw ay lumalayo at paunti-unting kumikirot ang puso ko Sa isang saglit aking napagtanto Na kahit kailan hindi magiging tayo
Moonwalker by: Jerby Anne Basilio
You walked alone with a face of sorrow And passed by the curtain that covers the window My seat was behind there and i saw your shadow I looked at the hall but no one followed
I always looked into your eyes When windows were open wide I fear you when you stare me too 'Cause you kill me without a clue
At the gym, one special day I saw you dance on the stage There's an applause every sway And I can see your happy face
I can't forget the way you danced 'Cause I think I saw MJ at last I want to learn that very fast And beat it if I have a chance
Later on, we became good friends We just knew each other when we first met I was shocked, you're the guy who beats The groovy moonwalk on his feet
Damdamin ng Isang Makata by: Glenn Orbon and Jerby Anne Basilio
Ano itong pakiramdam? Hindi ko maintindihan Sa tuwing ika'y maaalala Napapalundag ako sa tuwa Kapag naiisip ko ang iyong ngiti Hindi na ko mapakali Nais na makausap kang muli Sa bawat sandali
Imahe mo sa aking isip Maging sa aking panaginip Nagbibigay sa akin ng kilig Parang ika'y sa aki'y nakatitig Puso ko ay nananabik Na tila handang muling umibig Nang tuluyan na akong mahulog Sa isang bagong iniirog
Mga damdaming nagtutulakan Maaari na ba itong tigilan? Pagkat ang takot nitong puso Sa iyo'y mahulog nang tuluyan Pero ayoko nang maulit pa Na sa huli'y napag-iwanan Hindi ko ipipilit ang sarili Baka sa huli ako'y magsisi
Ngunit ako'y iyong nadagit Sa ganda mong kaakit-akit Nahihirapan akong iwasan Ningning ng iyong kariktan At kahit isip ay pinipilit Na tuluyan kang iwaglit Ang puso ko'y humihiling Na makasama ka sa aking piling
Ika'y aking bituin sa langit Ang puso ko'y nais kang masungkit Upang ako'y bigyang liwanag Sa buhay kong ikaw ang hanap Ngunit tulad ng ibang bituin Tila kay hirap mong abutin Sa malayo mong kinaroroonan Ako'y hanggang tanaw na lamang
* Gusto ko lang ipagsigawan Sa buong sangkatauhan Na gusto kita, na mahal kita Na ninanais kita sinta At ako sana'y pagbigyan...
[Unfinished poem] by: Jerby Anne M. Basilio (June 2013)
Lambing mo ay aking dinadama Halik mo ay aking sinisinta 'Pagkat sa piling mo ay isang ligaya Na dati ko pang nais matamasa
Limutin na natin ang lamat ng nakaraan Tanging masasayang alaala ang ating tandaan Na nagsimula sa ating pagkakaibigan Na naglaon ay naging ating pag-iibigan